Sunday, December 17, 2006

the "Let's go" cast


Alex - Kikay at trendsetter; mahilig sa fashion. Anything with polka dots—yan ang personal style ni Alex.

Badjie - Class bully. Hindi siya nagsasalita pero kinatatakutan siya ng lahat, parang Godfather sa dorm na may alipores/bodyguard pa.

Bangs - Cool, sexy chick na hindi nagpapakita ng kanyang mukha. Natatakpan lagi ng bangs niya ang lampas ilong ang haba.

Bob - Dagdagan ng "o" ang kanyang pangalan, iyun ang performance ng kanyang utak. Actually tamad lang mag-aral. Pero star athlete. Captain ball ng kanilang basketball varsity team.

Charie - Very sweet girl at hilig anything with flowers at mga romantic movies. She believes in destiny at love at first sight.

Dennis - Gwapo at cush ng bayan; lapitin ng chicks. Nursing student; kapag mayroong may sakit sa barkada ay sa kanya lumalapit for 1st aid.

Junniper - Actually ang gustong ipangalan sa kanya ng tatay niya ay Jennifer. Nagkamali ng rinig ang nurse, Junniper ang naisulat. Probinsiyanang Bisaya at ignorante sa pasikot-sikot sa Maynila. Maganda pero medyo conservative at seryoso.

Maffy - Updated sa latest teleserye, ang kanyang idol ay walang iba kundi si Ms. Kristine Hermosa. Mahilig sa mga artista at sa showbiz.

Mike - Ang kuripot sa barkada. Business Management ang course. Naisip na balang-araw ay gusto sana niyang magtayo ng isang pawnshop.

Norman - Cute, pogi at pretty boy. Second child at galing sa pamilya ng mga engineers. Napilitang kumuha ng Mechanical Engineer kahit na Fine Arts talaga ang gusto niyang kurso.

Trish - Bestfriend ni Alex since highscool. Mahilig sa bargain shopping at lahat ng sale. Every week iba-iba ang kanilang look na mag-bestfriend.

Zap - Fine Arts ang kurso niya.Ang mga magulang ay OFW’s kaya’t nasa dorm lang siya nakatira. Tuwing magpapadala ang kanyang mga magulang ng mga bagong sapatos at damit ay binebenta lang niya twice the price




No comments: